Nganga (My entry for Binhi : Himig)


Walang magawa,
Nakatunganga lang sa wala.
Nganga.

Iniwan ka niya,
At ngayon ay nagiisa.
Nganga.

Nag DOTA nang magdamagan,
Kaya sa exam ay walang nasagutan.
Nganga.

Huling huli sa akto ang krimeng ginawa mo
Sa CCTV camera, kaya arestado.
Nganga.

Patapos ka na sa tinatayp na project,
Nang biglang nag brownout, Nakabadtrip.
Nganga.

Maleleyt ka na sa klase,
Trapik pa sa biyahe,
Nganga.

Masyadong pa-epek sa cellphone na dala,
At nasungkit ni mamang holdaper, sa may eskineta banda.
Nganga.

Beauty and brains ika nga, ngunit nang ikaw ay tinanong,
Walang maisip na sagot sa inyong Q & A portion.
Nganga.


Tapusin mo nalang at malapit na rin ito,
Tulang walang saysay ngunit sadyang totoo.
Nganga.

Reaksyong dulot ng sobrang gulat at kaba,
Dala ng  mga pambihirang karansanan pag ika’y nakanganga.
Nganga.

Popular posts from this blog

Why YOU should apply for a Mercury Drug Suki card NOW!

LSS: Feelings (Up Dharma Down)

Game of Thrones Fan Art by DaniNaimare