Don’t leave it unsaid. (Filipino Version)


Hindi dahil bagsak ako sa unang praktikal sa Vb.net eh bobo na ako. Hindi ko lang maatim na mangopya at magbukas ng mga halimbawa sa drive D o kaya’y iedit sa bahay ang aking gawa at ipacheck ito sa guro at hindi magsabi ng totoo kung saan ko man ito nagawa. Ang totoo’y takot ako na magkasala at mawalan ng tiwala sa sariling kakayanan. Dahil alam ko na kaya ko yun. Wala lang akong diskarte and hindi ako nakinig noong sinabi ng guro na puwede palang maging ganito o ganire ang kalalabasan ng program. Kung tutuusin nga mapapasa ko yun kung nilagay ko sa drive D ng kompyuter ang inedit kong gawa sa bahay. Ngunit ako’y nababahala at natatakot sapagkat alam ko na sa gagawin kong iyon ay may karmang mas mabigat na katapat. Oo, tamad ako at minsan ay nangongopya. Hindi ako nagmamalinis at hindi ako nagbabanal-banalan dahil walang kahahantungan iyon lahat. Ang gusto ko lang iparating ay nagkulang lang talaga ako at naging kumpiyansa sa mga ikinilos ko. Pero ang pangit namang isipin na habang pinaghirapan ko ang aking program ay may mangilanngilan na tumitingin sa mga di dapat tingnan. Hindi ako ang tipo na mahilig magpost ng mga walang kwentang bagay sa facebook at hindi rin ako reaksiyonista. Ang mga ito ay likha lamang ng aking sapantaha. Kung sino man ang makakabasa nito, tapusin niyo. Nasimulan niyo naman bakit hindi niyo pa tapusin? At kung sino man ang tatamaan nito tumago na kayo hangga’t maaga pa. Ang karma ay hindi bobo katulad ko. May digital karma na ngayon at kumpara sa sinaunang karma, ito’y mas mabilis at mas malupit. Kumapit nang mabuti’t baka madala ka nito sa Serendra, sa may second floor dun sa may Starbucks. Ingats nalang. Total may susunod pa naman na eksam, sana naman matauhan na ako’t magaral ng bongga doon para wala na akong maisulat na ganito sa nanghihikapos kong blog. Salamat sa pagbabasa! Sa mga taong pinatatamaan ko, hindi ko man kayo lubusang kilala, kilala niyo naman sarili niyo. Hanggang sa susunod na Filipino blog ko. Harinawa’y maging maayos na ang lahat!

Popular posts from this blog

Why YOU should apply for a Mercury Drug Suki card NOW!

Happy Mother's Day Ma!

LSS: Feelings (Up Dharma Down)